Ang Aking Pag-Ibig
Ang Aking Pag-Ibig
By Jericho Paul De Guzman
Luma, plakada ngunit masaya
Para sa ilang tao na mayroong sinta
At ganoon na rin sa aking nadarama
Pag-ibig na kahit magmukha pa akong tanga
Lahat-lahat ay totoong mapapahanga.
Sinta ko iyong dinggin
Ang pag-ibig na sinasalamin
Kung karapat-rapat ka pang ibigin
Datapwat pag-ibig mo'y hihingin
At isisigaw ito ng malakas sa hangin.
Kahit hindi mo man mapagtanto
Aawitin ko pa ang lahat para sayo
Mapansin mo lang ang pag-ibig kong ito
Hindi alintana, matatakot at ihihinto
Basta't ako lamang ay ibigin mo.
Sabihin mo lang oo ako'y kikindat
Kahit ang boses ko ay maging malat
Huwag lang matulad sa lasa ng alat
sisiguraduhing hindi ka masisilat
Nang pag-ibig na 'sing bilis ng kidlat.
Sinagot ng oo subalit agad iniwan
Ang aking pag-ibig naging biguan
Ang aking pag-ibig na puno ng yaman
Ang aking pag-ibig handang ipagsigawan
Subalit irog ko bibigyan kita ng kalayaan.
By Jericho Paul De Guzman
Luma, plakada ngunit masaya
Para sa ilang tao na mayroong sinta
At ganoon na rin sa aking nadarama
Pag-ibig na kahit magmukha pa akong tanga
Lahat-lahat ay totoong mapapahanga.
Sinta ko iyong dinggin
Ang pag-ibig na sinasalamin
Kung karapat-rapat ka pang ibigin
Datapwat pag-ibig mo'y hihingin
At isisigaw ito ng malakas sa hangin.
Kahit hindi mo man mapagtanto
Aawitin ko pa ang lahat para sayo
Mapansin mo lang ang pag-ibig kong ito
Hindi alintana, matatakot at ihihinto
Basta't ako lamang ay ibigin mo.
Sabihin mo lang oo ako'y kikindat
Kahit ang boses ko ay maging malat
Huwag lang matulad sa lasa ng alat
sisiguraduhing hindi ka masisilat
Nang pag-ibig na 'sing bilis ng kidlat.
Sinagot ng oo subalit agad iniwan
Ang aking pag-ibig naging biguan
Ang aking pag-ibig na puno ng yaman
Ang aking pag-ibig handang ipagsigawan
Subalit irog ko bibigyan kita ng kalayaan.
Comments
Post a Comment